Bumaba ang bilang ng mga nasasawi dahil sa anti-drug operations ng gobyerno ngayong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mahigit 95 percent ang ibinababa nito sa mga nasasawi sa anti drugs operations ng mga otoridad kumpara noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula Hulyo 1, 2022 hanggang Disyembre 31, 2023 ay mayroong 195 drug suspects lamang ang nasawi dahil sa pakikipaglaban sa mga otoridad.
Kumpara sa parehas na panahon noong termino ni Duterte na mayroong 3,968.
Bumaba rin ang mga naarestong drug suspek na mayroong 75,880 mula sa dating 119,058.
Isa sa mga nakikita ng PDEA ay ang pinaigting ng intelligence gathering at kumpara sa marahas na kampanya noon ng Duterte administration.