Nadadagdagan pa ang bilang ng mga iniwang patay ng nangyaring pagguho ng lupa sa Maco, Davao de Oro.
Ito ay matapos na umakyat na sa 10 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasawi nang dahil sa naturang trahedya makaraang makapagrekober pa ang mga otoridad ng tatlo pang dagdag na mga bangkay mula sa naturang landslide.
Sa datos ng inilabas ng Maco Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, bukod dito ay umabot na rin sa 31 ang bilang ng mga sugatang indibidwal, habang 49 na katao pa ang kasalukuyan pa ring nawawala.
Kung maaalala, kabilang sa mga nabiktima ng naturang pagguho ng lupa ay ang ilang mga minerong nagtatrabaho sa isang minahan na mayroong 24-operation kung saan nangyari ang naturang insidente.
Bukod dito ay mayroon ding 30 pasahero ng dalawang bus ang nabiktima nito, gayundin ang ilang residenteng nakatira sa malapit sa lugar.