-- Advertisements --

Umakyat sa lima ang bilang ng mga namatay dahil sa Delta coronavirus variant.

Ayon sa Department of Health, mula ito sa kabuuang bilang na 119 na mga kaso ng naturang mas nakakahawang variant ng coronavirus.

Umaabot naman sa 16 ang aktibong kaso o iyong mga pasyenteng nagpapagaling pa.