-- Advertisements --

Boluntaryong isinuko ng aktor na si Derek Ramsay sa Land Transportation Office (LTO) ang kaniyang sports car matapos na masita dahil sa paggamit ng pekeng plate number.

Sinabi ni LTO chief Markus Lacanilao, na kasamang isinuko ang driver’s license ng aktor.

Dagdag pa nito na handa naman ang may-ari ng sasakyan na maimbestigahan kung saan tumugon ito sa show cause order.

Humingi ang driver ng sasakyan at inamin ang pagkakamali kung saan ipinaliwanag nito ang pagkabit ng nasabing pekeng plaka.

Una rito ay naglabas ng show cause order ang LTO matapos na makita ang sasakyan na mayroong kakaibang plate number.

Inatasan nila ang may-ari ng sasakyan na magtungo sa LTO sa darating na Agosto 24 para magpaliwanag sa nasabing insidente.