Ivermectin MedPage Today
-- Advertisements --

Iniulat ng Oregon Poison Center na tumaas ang bilang ng mga nalason dahil sa paggamit ng anti-parasitic drug Ivermectin kontra COVID-19 sa buwan ng Agosto.

Sinabi ng ahensiya, nakatanggap sila ng 21 reports tungkol sa “Ivermectin toxicity” na naka-publish sa New England Journal of Medicine.

Sa nasabing bilang, anim ang nadala sa ospital kung saan apat dito ang nasa intensive care unit (ICU).

Kabilang sa mga sintomas na naranasan ng mga pasyente ay ang gastro-intestinal distress, confusion, weakness, loss of muscle coordination, low blood pressure at seizures.