-- Advertisements --
motorcycle

Naitala ang pagtaas ng bilang ng mga motorsiklo na naibenta sa bansa sa loob ng 2013.

Batay sa datus ng Motorcycle Development Program Participants Association (MDPPA), kabuuang 932,720 units ang naibenta sa buong bansa para sa unang pitong buwan ng kasalukuyang taon.

Mas mataas ito ng 4.6% kumpara sa naitala noong 2022, sa kaparehong period.

Umabot lamang kasi sa 890,720 unit ng mga motorsiklo ang naibenta sa naturang panahon.

Inaasahan ng grupo na ngayong taon ay malalagpasan nila ang kabuuang unit ng motorsiklo na naibenta noong 2022, mula sa 1.5million patungong 1.6million units, o katumbas ng 6% na pagtaas.

Batay sa rekord ng grupo, kapag sumasapit ang Setyembre, Octobre, at Nobyembre, napapanatili ang mataas na bilang ng mga bumibili ng motorsiklo.

Ang Motorcycle Development Program Participants Association, ay binubuo ng mga grupo ng mga retailers at manufacturers ng motorsiklong may iba’t-ibang brand.