-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 26.7 milyon ang bialng ng mga mag-aaral na nagpa-enroll para sa school year 2023-24.
Ito ang ay base sa datos ng Learner Information System Quick Count ng Department of Education (DepEd) kung saan nanguan ang Region IV-A na mayroong 3.9 milyon ang nagpa-enroll habang pumangalawa ang Region 3 na mayroong 2.9 milyon at pangatlo ang National Capital Region na mayroong 2.7-M.
Mayroong mahigit 300,000 naman ang nagpa-enroll sa Alternative Learning System, at mahigit 18,000 naman ang nakapag-enroll sa Philippine Schools Overseas.
Naniniwala naman ang DepEd na maabot ang target nila na 28.9 milyon na bilang ng mga enrollees ngayong taon.