-- Advertisements --

Lalo pang dumami ang mga lugar na nasa tropical cyclone wind signal number one dahil sa tropical storm Karding.

Kabilang sa mga isinailalim sa unang babala ng bagyo ang mga sumusunod: Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, southern portion ng mainland Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Iguig, Solana, Tuao, Enrile), Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, northern at eastern portions ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Gabaldon, Bongabon, Laur, Rizal, San Jose City, Lupao, Llanera, General Mamerto Natividad, Palayan City, General Tinio).

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 795 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 15 kph.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.