-- Advertisements --
PNP CHIEF ACORDA

Bumaba ang bilang ng mga krimen na naitla ng pambansang pulisya ng pilipinas simula nagsimula ang 2023 hanggang sa kasalukuyan, kumpara sa mga naitala noong nakalipas na taon.

Batay sa opisyal na datus ng pambansang pulisya, bumaba ang porsyento ng mga naitalang krimen ng hanggang sa 6.19% sa loob ng unang walong buwan ng taon.

Ayon sa PNP Crime Research Analysis Center of the Directorate for Investigation and Detective Management, bumaba ang naitalang krimen sa ibat ibang kategorya katulad ng mga sumusunod:

Sa karnaping, nagtala ito ng pagbaba na hanggang sa 31.98%. Bumaba rin ang physical injury na nasa 15.87% habang ang rape cases ay bumaba ng hanggang sa 14.66%

sa iba pang krimen na nakaagtala ng pagbaba, naitala ang 6.36 para sa robbery, 2.07% para sa murder, 3.84% para motornapping, at .73% para sa homicide.

Pagtitiyak naman nhi PNP Chief, Pgen. Benjamin Acorda jr, ipagpapatuloy nila ang mga kampanya na kanilang unang nagawa upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbaba sa bilang ng mga naitatalang krimen sa bansa.

Umapela rin ang PNP chief sa publiko, na panatilihin ang pakikipagtulungan sa mga law enforcers upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa buong bansa.