-- Advertisements --
COMELEC CHAIR GEORGE GARCIA

Umabot na sa mahigit 600 ang bilang ng mga kandidato sa BSKE 2023 na pinagpapaliwanag ng COMELEC dahil sa ilang kadahilanan.

Batay sa datus ng komisyon, patuloy na lumulubo ang bilang ng mga kandidatong kanilang pinapasagot, matapos makitaan ng mga voilation o paglabas sa mga batas sa halalan.

Kahapon ay umabot sa mahigit 470 ang bilang ng mga inisyuhan habang panibagong 200 kandidato ang pinadalhan ng COMELEC ngayong araw.

Pangunahin dito ay ang premature campaigning o maagang pangangampanya at vote buying.

Tinukoy naman ni COMELEC Chair George Erwin garcia ang ilang mga lugar kung saan marami silang nakitang mga kandidatong lumabag.

Kinabibilangan ito ng Metro Manila, Rizal, Laguna, Cebu, Iloilo at iba pa.

Tiniyak naman ng opisyal na hindi siya papayag na walang maaksyunan sa mga naturang paglabag, lalo at patuloy aniya ang pagtaas ng bilang ng kanilang mga namomonitor.

Ayon kay Chairman Garcia, nais niyang makita na mayroong mga ma-disqualify bago ang araw ng halalan, dahil sa mga naturang paglabag.