Mas kaunti ang bilang ng mga naisilang na sanggol kumpara sa dami naman ng mga taong napaulat na namati ngayong 2021 kumpara sa datos noong nakalipas na taon, base sa preliminary data ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Base sa naturang datos, lumalabas na 703,400 kabataan lamang ang naisilang mula Enero hanggang Agosto 2021, mas mababa kumpara sa 981,270 births sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Ibig sabihin, naitala sa unang tatlong quarters ng kasalukuyang taon ang pinaka-kaunting bilang ng mga naipangangak na sanggol sa nakalipas na 35 taon para sa January hanggang August period.
Samantala, mas maraming bilang din ng mga nasawi ang naitala ngayong 2021 kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Mula Enero hanggang Agosto 2021, nakapagtala ng 486,401 deaths, mas marami kumpara sa 400,501 reported moratlities sa kaparehong period noong 2020.
Sa kabilang dako, kahit mayroong COVID-19 pandemic, iniulat ng PSA ang mas maraming bilang ng mga nagpakasal kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Aabot kasi sa 211,247 ang nagpakasal mula Enero hanggang Agosto 2021, mas marami kaysa 147,536 lang noong nakaraang taon.