-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit 9,000 empleyado sa Central Office at iba’t ibang Field Offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nagparehistro para magpabakuna kontra COVID-19.

Ang bilang na ito ay base sa latest count ng DSWD matapos na sinimulan nila ang registration ng essential workers para sa inoculation program ng pamahalaan.

Samantala, nangako naman ang DSWD na patuloy silang tutulong sa promotion ng COVID-19 vaccination at vaccine deployment program para makamit ang target na bilang ng mababakunahan.

Ayon sa DSWD, nakakita rin sila nang pagtaas sa bilang ng mga empleyado nilang nais na magpabakuna kontra COVID-19.

Base sa resulta ng dalawang survey ng Pulse Asia, lumalabas na ang DSWD ang may pinakamaraming bilang ng mga empleyado na nais magpabakuna.

Mula sa 35 percent lang noong Pebrero, umakyat na ito sa 74 percent noong Mayo 2021.