-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga nakabili ng mga sasakayan noong nakaraang buwan ng Abril.

Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA) na mayroong 37,314 units ang naibenta noong Abril.

Ito ay mas mababa pa ng 0.4 percent noong Marso na mayroong 37,474.

Subalit ayon sa grupo na ang bilang noong Abril ngayong taon ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon sa parehas na buwan na mayroong 30,643 units ang naibenta.

Sinabi ni CAMPI president Rommel Gutierrez na nagkaroon ng positive consumer at business confidence kaya hindi gaanong bumaba ang bilang ng mga bumibili ng mga sasakyan.

Umaasa naman ang grupo na sa mga susunod na buwan ay magiging mataas na bilang ng mga bibili ng mga sasakyan.