-- Advertisements --

Balak ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano na dagdagan ang bilang ng mga Deputy Speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pinag-aaralan kasi ni Cayetano na magtalaga ng Deputy Speakers para sa Finance, Environment, Health at Internal Affairs.

Sinabi ni Cayetano na magsisilbing parang Chairman of the Board ng Kamara ang mga dagdag na position sa Deputy Speakers para mapabilis na rin ang “think tank” ng gobyerno sa Kongreso.

Inirekomenda din ng kongresista ang consistency sa committee chairmanship sa harap ng term sharing nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Si Cayetano ay uupo ng 15 buwan habang si Velasco naman ay tatayong Speaker sa loob naman ng 21 buwan.

Sa kabila ng term sharing, hinikayat ni Cayetano ang mga kapwa niya kongresista na magtulungan at huwag maging disruptive upang maisulong ang legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.