-- Advertisements --
Umaabot na sa halos 100,000 public utility vehicles (PUVs) ang nakakabyahe na sa Metro Manila, sa kabila ng mahigpit pa ring health protocols dahil sa COVID-19.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, katumbas na ng 80 percent ang naturang bilang at inaasahang madadagdagan pa sa mga susunod na linggo.
Pero calculated move umano ang pagbabalik sa normal ng mga byahe, upang hindi ito pagmulan ng matinding hawaan at makatulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya.
Maging sa hanay ng mga city at provincial buses ay patuloy ding tumataas ang bilang.
Pero sa ngayon, may 195 provisional bus routes na ang pinahihintulutan ng LTFRB.