-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang biktima at suspek sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato

Nakilala ang biktima na si Jonex Apag na residente ng Datu Piang Maguindanao.

Ang suspek naman ay si Misuari Namalinggi na taga Brgy. Damalasak, Pagalungan, Maguindanao.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Mautin Pangandigan na nakatayo lamang ang biktima malapit sa isang gasoline station sa Brgy Fort Pikit,Pikit Cotabato ng bigla itong lapitan ng suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis naman na nagresponde ang mga pulis at nakorner ang suspek,imbes na sumuko ay nakipagbarilan ito kaya gumanti ang mga otoridad.

Kapwa naisugod sa pagamutan ang biktima at suspek ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station sa naturang pangyayari.