Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na top priority ang mga bikers at pedestrians kasabay ng planong konstruksiyon ng mas ligtas na lanes at mas maluwag na sidewalks sa susunod na anim na taon.
Ito ay bahagi ng Philippine Development Plan (PDP) mula 2022-2028 n ainaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ang anunsiyo ng DOtr ay kasunod ng report noong nakalipas na buwan ng Move as One Coalition kaugnay sa nakakaalarmang bilang ng mga aksidente sa kakalsadahan sangkot sa mga insidenteng ito ang mga biker sa Metro Manila na nagresulta sa pagkasawi ng nasa average na 26 na siklista mula noong 2017 hanggang 2021.
Ayon naman sa MMDA, nakapagtala ng 24 na kaso ng bicycle-related deaths bawat taon sa 2017 at 2018.