-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng panibagong bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P2.00 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P2.50 sa kada litro ang itinaas ng diesel at ang kerosene ay nagtaas ng P2.00 sa kada litro.

Sinabi ng Department of Energy’s (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB) na ang pagtaas ay bunsod ng paghigpit ng suplay dahil sa pagbawas na ng produksyon ng langis sa Saudi Arabia at Russia.

Ito na ang pang-11 linggong magkakasunod na ipinatupad ang oil price hike.