DAGUPAN CITY – Patay ang isang big time drug pusher matapos makipagbarilan umano sa mga pulis sa Brgy. Dalampang, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nakahandusay na sa gitna ng bukid si Felecito Barcoma alyas Jun Bigtime matapos barilin ng pulis na aaresto sana sa kanya sa nasabing lugar.

Si Barcoma ay kabilang umano sa drug personality at sangkot din sa iba’t ibang kaso.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kotse at nang makorner ay imbes na sumuko, tumakbo pa ito habang pinapaputukan ang mga pulis.

Napilitan ang mga kapulisan na gantihan siya ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang hinihinalang shabu na nakasilid sa medyas at isang kalibre .45 baril.