-- Advertisements --

Nabigo umano ang Duterte administration na igiit ang The Hague ruling para sa kapakanan ng Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ni Vice President Leni Robredo, matapos ibasura ang claims ng China sa West Philippine Sea, na pasok sa kanilang “nine dash line.”

Ayon kay Robredo, walang naging hakbang ang gobyerno para ipagpalaban ang arbitral victory ng bansa sa lahat ng mga forum na maaari itong igiit.

Pinuna pa ni Robredo ang pamahalaan sa tila pagtalikod sa alyansa na sana’y makakatulong para maprotektahan ang mga karapatan ng bansa laban sa panghihimasok ng Beijing at iba pang calimants.

Para sa opisyal, hindi maliit na bagay ang pagbalewala sa mga mangingisdang nawalan ng kabuhayan dahil sa pambu-bully ng malalaking barko ng China.

Giit nito, hindi mababago ng mga kasinungalingan ang tunay na laban ng bansa para sa ating soberanya.

“The Hague ruling is now a definitive part of international law. It cannot be erased from the history books, and cannot be denied despite the unending lies spewed forth by a formidable machinery of disinformation. Filing the case before the tribunal— standing up for what is right, against the economic and military might of a world power— yielded the admiration and respect of the entire world. Today’s commemoration is a reminder, a challenge, and a promise: That if only we can remember, if only we can unite, if only we can rediscover our spirit and once again stand for what is right— we will find, beneath the rubble of cowardice and neglect, our courage, our dignity, and our national pride,” wika ni Robredo.

Kaugnay nito, hinimok naman ni Sen. Risa Hontiveros ang Department of National Defense (DND) na bilisan pa ang mga hakbang para mapalawak ang ating presensya sa West Philippine Sea.

“Kasabay ng paggunita natin sa panglimang anibersaryo ng tagumpay natin sa #TheHague, hinihikayat ko ang Department of National Defense na bilisan ang pagbuo at pagpapalawak ng mga pasilidad sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea,” pahayag ni Hontiveros.