Papalo sa mahigit P1 ang umento sa presyo ng produktong petrolyo epektibo bukas ng Martes.

Sa abiso ng mga oil companies, mahigpit P1 ang dagdag presyo sa diesel at kerosene habang P0.85 naman sa gasolina.

-- Advertisement --

Ang Caltex ang unang magpapatupad ng oil price hike dakong alas-12:01 mamaya.

Aabot sa P0.85 ang umento sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa diesel at P1 sa kerosene.

Samantala, ang Petro Gazz, Seaoil, Petron, PTT Philippines ay magpapatupad ng oil price increase dakong alas-6:00 ng umaga bukas.

Parehong umento ang ipatutupad ng Seaoil at Petron sa presyo ng diesel, gasolina at kerosene.

Ang Petro Gazz at PTT Philippines naman ay hindi magpapatupad ng oil price adjustments sa kerosene.

Asahang susunod pa ang ibang kumpanya ng langis sa isasagawang oil price adjustment.