Epektibo ngayong Martes, Hulyo 21 ang taas presyo ng produktong petrolyo matapos mag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis ng panibagong price adjustments ngayong linggo bunsod ng muling pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang maximum na pinapayagan ng price adjustments na ipatutupad ngayong araw ay ang mga sumusunod:
- Gasolina – hanggang P3.65 kada litro
- Diesel – hanggang P10.68 kada litro
- Kerosene – hanggang P11.77 kada litro
Magkakaiba ang aktuwal na ipatutupad na dagdag-presyo depende sa bawat kumpanya ng langis.
Inanunsyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na ipatutupad nila ang pagtaas ng presyo sa magkakahiwalay na araw.
Sa Hulyo 21 (Martes):
Gasolina – +P3.60 kada litro
Diesel – +P8.20 kada litro
Kerosene – +P8.10 kada litro
Sa Hulyo 22 (Miyerkules):
Walang dagdag sa gasolina
Diesel – +P1.20 kada litro
Kerosene – +P2.30 kada litro
Sa Hulyo 23 (Huwebes):
Walang dagdag sa gasolina
Diesel – +P1.20 kada litro
Kerosene – +P1.20 kada litro
Nauna nang nagbabala ang mga source sa industriya ng langis na inaasahan ang panibagong pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa muling pag-init ng tensyon sa Gitnang Silangan, na nagtulak sa pagmahal ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Dahil sa sunod-sunod na oil price adjustments, umabot na sa kabuuang P46.27 kada litrong net increase ang presyo ng gasolina, P39.75 kada litro sa diesel, at P36.62 kada litro sa kerosene sa simula ng taon hanggang nitong Hulyo 14, 2026.
















