Nangyari ang big switch sa lalawigan ng Pampanga sa huling araw ng COC filing nitong Martes, Oktubre 8.
Ito ay matapos na mag-swap ang mag-inang Pineda sa pagtakbo sa 2 pinakamataas na posisyon sa probinsiya para sa 2025 midterm elections.
Nagparaya ang nakababatang si incumbent Governor Dennis Pineda at naghain ng kaniyang kandidatura sa pagka-Bise-Gobernador. Habang ang kaniyang ina na si incumbent Vice Governor Lilia Pineda ay naghain ng kandidatura para muling tumakbo bilang Gobernador ng Pampanga.
Matatandaan na nauna ng nanungkulan bilang Gobernador ng lalawigan si Lilia Pineda mula 2010 hanggang 2019 bago ito nanalo bilang Bise-Gobernador noong 2019 elections.
Nangyari ang palitan sa Pineda clan matapos na maghain din ng kandidatura si dating Governor Eddie Panlilio para sa pagka-Bise Gobernador bilang running mate ni Engr. Danilo Baylon na kakandidato naman bilang Gobernador.