Isusulong ni Representative Brian Raymund Yamsuan sa 20th Congress ang dagdag pondo sa edukasyon para sa mga mag-aaral sa Parañaque na layong palawakin pa ang access ng mga kabataan sa de kalidad na edukasyon sa kaniyang distrito.
Si Yamsuan ang bagong proklamang congressional representative ng Parañaque’s 2nd District.
Isa sa pratoridad ng Kongresista ay ang edukasyon para ma-empower ang mga kabataan na mag-aral para sa kanilang kinabukasan.
“Our goal is to make education affordable and easily accessible to give everyone an equal opportunity to succeed in overcoming life’s challenges and carving a stable and vibrant future. Edukasyon, sipag at determinasyon ang pinanghawakan ko noon para makaahon sa kahirapan kaya’t alam ko na kung mabibigyan lamang ng maayos na edukasyon ay may naghihintay na matatag na bukas para sa bawat masisipag na Parañaqueno ng second district,” pahayag ni Yamsuan.
Sa ilalim ng BAON program na sinimulan ng Kongresista, ito ay nagbibigay ng one-time P5,000 educational assistance sa bawat qualified student-beneficiary, at P10,000 bawat isa kapag ito ay Dean’s Listers o yung may High Honors.
As of April 2025, nasa 5,000 estudyante na ang nakapag benepisyo sa BAON program.
Sinabi ni Yamsuan na bukod sa pagpapatuloy ng kanyang programang BAON, nakikipag-usap na rin siya sa mga kapwa mambabatas upang matukoy kung paano mapapataas ang pondo ng gobyerno para sa campus ng Parañaque City Polytechnic University of the Philippines (PUP) upang higit pang mga hindi mapalad ngunit nararapat na mga estudyante mula sa ikalawang distrito ang makapag-aral sa institusyong pang-edukasyon na ito.
Binigyang-diin ni Yamsuan na ang mga kabataan ang nagbigay sa kaniya ng oportunidad para manalo sa nagdaang halalan.
“Silang mga kabataan talaga yung nagsabing gusto nila akong manalo sa halalan. Sinasabi nila sa akin na ituloy ang mga programa ko, at ipaglalaban nila ako. They told me ‘ikaw lang yung nagbaba ng ganitong programa, ikaw lang ang pumansin sa amin’,” pahayag ni Yamsuan.