-- Advertisements --

Isang barko ang hinihinalang ginagamit bilang “floating armoury” sa Gulf of Oman ang umano’y sinamsam ng mga tauhan ng militar ng Iran, ayon sa maritime risk management company.

Nabatid na huling nakita ang ang Honduras-flagged vessel na Hui Chuan sa 70 kilometro hilagang-silangan ng Fujairah sa United Arab Emirates noong Miyerkules.

Ayon sa operator ng Hui Chuan, ginagamit umano ang barko bilang floating armoury o imbakan ng armas para sa mga private security firms na nagpoprotekta sa mga barko laban sa mga pag-atake ng mga pirata sa karagatan.

Gayunpaman, hindi pa makumpirma kung anong uri ng armas ang sakay ng barko at kung sinu-sino ang gumagamit nito.

Nauna nang iniulat na karaniwang ginagamit ang mga floating armoury vessels sa Red Sea, Gulf of Aden, at Gulf of Oman upang magsilbing drop-off at collection point ng mga armas at ammunition para sa maritime security personnel.