Nagbanta ang agency ng sikat na K-Pop boy band na BTS ng legal action kaugnay sa pagdawit sa grupo sa Drug scandal rumors.
Una na kasing lumabas ang mga haka-haka kaugnay sa mga K-pop groups na sangkot sa drug investigation matapos na mabulgar noong Miyerkules na sumasailalim sa imbestigasyon ng Incheon Metropolitan police ang South Korean rap icon at miyembro ng Big Bang na si G-Dragon dahil umano sa drug abuse subalit pinabulaanan nito ang naturang alegasyon.
Natukoy umano ng awtoridad si G-Dragon sa pamamagitan ng cumpolsary inquiry bilang resulta ng drug investigation sangkot ang sikat na aktor na bumida sa 2019 South Korean comedy thriller film na Parasite na si Lee Sun Kyun.
Nilinaw naman ng mga Incheon police na hindi konektado sa isa’t isa ang dalawang kaso.
Subalit sa isang statement, sinabi ng Big Hit Music na walang kinalaman ang BTS sa kumakalat na rumor at ni katiting ay wala itong katotohanan.
Ang BTS ay binubuo nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook. Lahat ng miyembro ay piniling mag-solo career muna habang ang ibang miyembro naman ay nasa mandatory military training at nakatakdang mag-comeback ang grupo sa taong 2025.