-- Advertisements --
Walang plano si US President Joe Biden na makipagkita kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa G20 summit sa Indonesia sa darating na Nobyembre.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng ginawang pahayag ng Riyadh na pagsuporta nila sa pagbabawas ng paggaw ng langis.
Sinabi ni US National Security Advisor Jake Sullivan, na hindi nakaplano kay Biden ang makipagpulong sa opisyal ng Biden sa nasabing pagdalo nito sa G20 summit.
Iginigiit kasi ng US na ang pagbawas ng Saudi ng oil production ay magpapalakas sa oil production ng Russia.
Ipinagtanggol na rin ng Saudi ang kanilang hakbang at sinabing ito ay aprubado ng mga economist at mga opisyal.