-- Advertisements --
Tiniyak ni US President Joe Biden na kaniyang gagawin ang makakaya para mapalaya ang mga mamamayan nito na ikinulong sa Russia.
Tintukoy nito ay ang American journalist na si Evan Gershkovich at dating US Marine na si Paul Whelan.
Sinabi ni Biden na mali ang mga akusasyon ng Russian government sa dalawa.
Gaya aniya ng ginawa ng US government ng mapalaya si WNBA ster Brittney Griner ay pipilitin ng kaniyang gobyerno na gawin ang makakaya para sa pagpapalaya sa dalawa.
Tuloy-tuloy din ang mga pakikipag-usap ng kanilang gobyerno sa Russian authoriites.
Magugunitang ikinulong ang dalawa dahil sa alegasyon ng pang-iispiya.