-- Advertisements --

Tinawag naman ni US President Joe Biden na ang operasyo ng Israel sa Gaza laban sa Hamas ay sumobra na.

Naniniwala din ito na ang kasunduan na inaayos para sa pagpapalaya ng mga bihag at pagkakaroon ng matagalang tigil putukan ay magkakaroon ng bagong pananaw tungkol sa giyera.

Umaasa pa rin ito na mabibigyan din ng pagkakataon na makadaan ang mga humanitarian aid sa Gaza.

Magugunitang makailang ulit ng tinawagan ni Biden si Israel Prime Miniser Benjamin Netanyahu para isulong ang ceasefire.