-- Advertisements --

Nananatili pa ring pinakamalaking partido sa Kamara de Representantes ang Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Ito ay sa kabila ng naunang paglilipat ng ilang miyembro nito patungo sa ibang partido tulad ng National Unity Party (NUP).

Ayon kay House Deputy Speaker at NUP Chairman Ronaldo Puno, nananatiling mataas ang bilang ng mga House member na nakaanib sa naturang partido, sa pangunguna ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Nananatili rin aniya ang matibay na samahan ng mga miyembro ng naturang partido sa kasalukuyan.

Sa kabilang banda, naniniwala si Puno na karamihan pa rin sa mga miyembro ng Lakas ay sumusuporta sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.

Tinukoy ni Puno ang naturang partido bilang ‘father party’ ng impeachment complaint laban kay VP Sara, kayat tiyak aniyang malaking bulto nito ang susuporta sa mga reklamo kapag naipresenta na ito sa plenaryo ng Kamara.