-- Advertisements --

Plano ni US President Joe Biden na makausap si Chinese President Xi Jinping.

Ang nasabing hakbang ay bilang konsiderasyon sa posibleng pagtanggal niya ng mga taripa na ipinataw sa China.

Paraan din ito ng US para maibsan ang nararanasan nilang inflation.

Wala pang itinakdang petsa at lugar kung kailang sila mag-uusap.

Huling nagkausap ang dalawang lider noong Marso 18 kung saan binalaan ni Biden si Xi kapag nakisawsaw sa giyera ng Ukraine at Russia.