-- Advertisements --

Pinulong na ni US President Joe Biden ang mga miyembro ng kaniyang national security team matapos ang naganap na drone attack sa kanilang outpost sa Jordan na ikinasawi ng tatlong sundalo ng US.

Kabilang na kasama sa pulong ay sina National Security Adviser Jake Sullivan, US Secretary of Defense Lloyd Austin, Director of National Intelligence Avril Haines, Chief of Staff Jeff Zients, Principal Deputy National Security Adviser Jon Finer, Homeland Security Adviser Liz Sherwood Randall at National Security Council Coordinator for the Middle East Brett McGurk.

Una ng sinabi ni Biden na sila ay gaganti sa ginawang drone attack na ito ng Iran.

Nilinaw naman ni National Security spokesperson John Kirby na hindi sila magsisimula ng giyera sa Iran at ang nais lamang nila ay mabigyan ng hustisya sa mga nasawing sundalo.