-- Advertisements --

Naniniwala si US President Joe Biden na nasa kamay pa rin ng Israel at Palestine ang solusyon para tuluyan ng mahinto ang paghahasik ng gulo ng mga Hamas militants.

Sinabi nito na ang Israel at Palestine ay patuloy nilang inoobserbahan ang daan sa kapayapaan subalit tanging ang maling ipinaglalaban ay ang Hamas na lumusob sa Israel noong Oktubre 7.

Normal lamang aniya sa Israel na ipagtanggol ang kanilang sariling bansa mula sa paglusob ng mga Hamas militant subalit mararapat pa rin na maprotektahan ang mga sibilyan.

Ginagawa rin aniya ng US ang lahat ng kanilang makakaya para mapalaya ang mga Americans na bihag ng mga Hamas militants.