-- Advertisements --

Naniniwala si US President Joe Biden na nasa isang mahirap na sitwasyon na may limitadong mga pagpipilian si Russian President Vladimir Putin kaugnay sa nagpapatuloy na giyera sa Ukraine.

Nakadagdag pa ang posibilidad na maaaring gumamit si Putin ng chemical or biological weapons.

Sa isang business roundtable event sa Washington DC, sinabi ni Biden na naniniwala siya na ang Russia ay naghahanda ng mga bagong “false flags”.

Ang mga opisyal ng US at mga kaalyadong opisyal ay paulit-ulit na nagtatalo na ang Russia ay maaaring gumamit daw ng mga chemical weapons bilang pasimula sa paggamit ng mga naturang armas mismo.

Mas maaga noong Marso, binalaan ni US National Security Adviser Jake Sullivan ang kalihim ng Security Council ng Russia na ang Moscow ay haharap sa mga consequences kung mag-deploy ito ng mga chemical or biological weapons na armas sa Ukraine.

Napag-alaman na sa kasalukuyan, iniulat ng UN Human Rights office (OHCHR) na nasa 925 civilians na ang namatay sa Ukraine mula ng magsimula ang Russian invasion.

Kabilang sa mga namatay ang 11 babae, 25 lalaki at 39 na sibilyang bata.