Nanguna si US President Joe Biden sa pagpapaabot ng pakikiramay sa nganap na stampede sa isang Halloween party sa Seoul, South Korea na ikinasawi ng 154 katao.
Ayon sa US President na labis siyang nalulungkot sa pangyayari kung saan dalawang US citizen ang kabilang sa nasawi.
Ipinagdarasal niya ang mga mamamayan ng South Korea na agad na makabangon at malampasan ang pangyayari.
Base sa pagtaya rin ng US State Department na mayroong tatlong ibang American Citizens ang nasugatan sa insidente.
Hindi rin maitago ni United Nations Secretary-General António Guterres ang kaniyang kalungkutan kung saan nanawagan ito sa mga bansa na tulungan ang mga pamilya ng mga biktima.
Magugunitang nasa 100,000 katao ang lumahok sa nasabing event kung saan unang pagkakataon ito ginanap matapos ang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Minister Lee Sang-min na hindi nila akalain na ganun ang karaming katao ang lalahok at sila ay nagsiksikan sa makipot na kalsada ng Itaewon.
Posible namang madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa mahigit 80 katao ang itinakbo sa pagamutan na ang iba ay nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan.
Nauna ng nadeklara si President Yoon Suk-yeol ng national mourning para bigyang alaala ang mga nasawing biktima.