-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Vietnam sa susunod na buwan si US President Joe Biden.
Ayon sa White House na makakaharap niya ang ilang mga matataas na opisyal doon na may kinalaman sa teknolohiya, ekonomiya.
Makakaharap din ng US President si Communist Party General Secretary Nguyen Phu Trong at ilang mga matataas na lider ng Vietnam.
Pagkatapos ang pagbisita ni Biden sa Vietnam sa Setyembre 10 ay magtutungo naman ito sa Alaska sa sa Setyembre 11 para doon gunitain ang anibersaryo ng Setyembre 11, 2001 attacks.