-- Advertisements --
Inaprubahan na ni US President Joe Biden ang pagtatayo ng bagong section ng border wall sa southern Texas.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga pagtawid ng mga illegal migrants.
May haba ito ng nasa 32 kilometers ang border wall sa Starr County ang border nila ng Mexico.
Magugunitang una ng kinontra ng kampo ni Biden ang priority project sa panunungkulan noon ni dating US President Donald Trump.
Paliwanag ni Biden na hindi na nito mapipigilan ang pagtatayo ng border wall dahil sa ito lamang ang magiging solusyon para labanan ang mga pagtawid ng mga iligal migrants.