-- Advertisements --
Nababahala si US President Joe Biden sa pagpapalawig ng China ng kanilang military drills sa bahagi ng Taiwan.
Sinabi nito na hindi niya inaasahan na ang kalagayan sa lugar ay lalala dahil sa ginawang protesta ng China sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi si Taiwan.
Dagdag pa nito na hindi naniniwala na palalalain pa ng China ang ginagawa nilang military drill.
Magugunitang pinalawig ng China ang kanilang military drills na nakapalibot sa Taiwan.