Nababagalan si US President Joe Biden sa mga tulong na dumadaan sa Egypt patungong Gaza.
Sinabi nito na nakikipag-ugnayan na ang US sa ibang bansa lalo na sa Egypt para bilisan na rin ang pagdaan ng mga humanitarian aide sa mga residente ng Gaza na naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant.
Ayon naman sa United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA) na maaring mapilitan silang ihinto ang operasyon sa Gaza kapag walang langis na maidedeliver doon.
Mahalaga kasi ang nasabing langis para sa pagpapaandar ng mga water stations na magbibigay ng inuming tubig sa mga residente.
Una kasi sinabi ng Israel Defense forces na papayagan nila ang pagdaan ng mga langis sa Gaza subalit dapat tiyakin na hindi ito mapupunta sa mga Hamas militants.
Patuloy din ang ginagawang pakikipag-usap ng mga bansa sa ilang opisyal ng Hamas para sa pagpapalaya ng mga bihag.
Nagpakalat na rin ang Israel Defense Forces ng mga leaflets sa Gaza at nagtatanong sa kinaororoonan ng mga bihag.










