-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni US President Joe Biden ang matagumpay na pagpapalaya kay WNBA Star Brittney Griner.
Si Griner ay nakulong sa Russia mula pa noong Pebrero matapos na mahulian ng iligal na substance sa kaniyang vape.
Napalaya lamang ito matapos ang prisoner swap dahil na rin sa tulong na ginawa ng United Arab Emirates at Saudi Arabia.
Kapalit ng paglaya ni Griner si Viktor Bout ang naaresto dahil sa arms dealer.
Pagtitiyak ni Biden na ginagawa nila ang lahat para mapalaya din ang ilang mga Americans na nakakulong sa ibang bansa.
Kasama ni Biden sa White House si Cherelle Griner ang asawa ni Brittney.