-- Advertisements --

Aminado si US President Joe Biden na ang pinakahuling insidente ng pagkasawi ng mahigit 100 katao sa food distribution site sa Gaza ay may malaking epekto sa isinusulong nilang usaping pangkapayapaan.

Subalit kumpiyansa ito sa una niyang pahayag na sa susunod na linggo ay matutuloy na ang usaping pangkapayapaan.

Dagdag pa nito na kanilang inaaral ang nasabing insidente.

Nitong nakaraang mga araw ay tinawagan niya ang mga lider ng Qatar at Egypt para sa pagsulong ng panibagong usaping pangkapayapaan at ang pagpapalaya ng nasabing mga bihag.

Magugunitang nasa 104 na mga Palestino at mahigit 60 ang sugatan matapos na magpaputok umano ang mga Israel Defense Forces sa mga ito habang pumipilia na kumuha ng pagkain sa food trucks.

Dahil sa insidente ay iknabahala ng mga lider ng Hamas na lalo pa itong magpapalala sa sitwasyon sa lugar.

Depensa ng mga Israel officials na inakala nilang nilulusob sila ng mga Palestino kaya pinaputukan nila ang mga subalit ang layon nila ay mag-unahan sa food truck para makakuha ng pagkain.