-- Advertisements --

Dumating na sa Brussels si US President Joe Biden para sa isasagawang emergency meeting kasama ang mga leader ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kaugnay sa nagpapatuloy na Russian war sa Ukraine.

Panibagong sanctions laban sa daan-daang miyembro ng State Duma, ang lower house ng Russian Parliament kaugnay ang inaasahang iaanunsiyo ni Biden.

Dumating i Biden nitong Miyerkules ng gabi sa Brussels at inaasahan din na magpapataw ang US at NATO allies ng mas mabigat pang mga sanctions laban kay Russian President Vladimir Putin.

Ilan pa sa mga pag-uusapan ng world leaders ay ang “next phase” ng military assistance sa Ukraine, pagpapalawig at pagpapataw ng economic sanctions at pagpapalakas pa ng depensa ng NATO alliance sa border nila ng Russia ayon kay White House national security adviser Jake Sullivan.

Samanatala, inihayag naman ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg na kanilang aaprubahan ang pagpapadal ng mas marami pang pwersa sa eastern Europe.

Aniya, apat na panibagong battlegroups ang ipapadala sa Slovakia, Hungary, Bulgaria at Romania.