-- Advertisements --
Blanko pa rin ang US kung para saan ang gamit ng mga pinabagsak nilang mga balloon noong nakaraang mga araw.
Sinabi ni US President Joe Biden na walang indikasyon na ang mga ito ay may kaugnayan sa pag-iispiya ng China.
Dagdag pa nito na kaya niya inatasan ang militar na pabagsakin ang balloon dahil ito ay delikado sa mga dumadaang pampasaherong eroplano.
Una ng sinabi ng Pentagon na ang nasabing bagay ay ginagamit ng mga private institution para sa research.
Magugunitang unang pinabagsak ng US ang isang suspected balloon noong Pebrero 4 sa karagatan ng South Carolina, na sinundan sa northern Canada, isa rin sa Alaska at isa sa Lake Huron sa Michigan.