Nagalit si US President Joe Biden matapos mapawalang sala ang isang binatilyo na bumaril-patay sa dalawang lalaki sa nangyaring racial unrest sa nakaraang taon sa Wisconsin.
Ang pangulo ay nagpahayag nang kaniyang pagkadismaya sa hatol sa isang written statement matapos naunang sabihin sa mga mamamahayag na suportado niya ang desisyon ng hurado.
Si Kyle Rittenhouse, 18, ay humihikbi nang siya ay napawalang-sala sa lahat ng mga kaso sa pamamaril sa Kenosha noong Agosto 25, 2020.
Nagkaroon ng mga protesta sa kinalabasan ng trial na naghati na naman sa mamamayan ng US.
Si Rittenhouse ay halos mag-collapse nang malaman niya ang kanyang kapalaran mula sa mga hurado na kinabibilangan ng pitong babae at limang lalaki pagkatapos ng tatlo at kalahating araw ng pag-uusap.
Umiyak din ang kanyang ina na si Wendy.
Ang dating police youth cadet ay acquitted sa dalawang bilang ng intentional homicide, isang count ng attempted homicide at two counts of recklessly endangering safety.
Inamin naman ni Rittenhouse ang pagbaril-patay kay Joseph Rosenbaum, 36, at Anthony Huber, 26, at nasugatan si Gaige Grosskreutz, 28, ngunit pinanindigan niyang ginawa niya ito bilang pagtatanggol sa sarili o self-defense.