US President Joe Biden white house
-- Advertisements --

Personal na binisita ni US President Joe Biden ang Louisiana isa sa mga lugar na sinalanta ng matinding pagbaha dahil sa hurricane Ida.

Sa kaniyang talumpati ay tiniyak nito ang tulong na maibibigay ng gobyerno sa mga mamamayan ng Louisiana at ibang mga lugar sa estado.

Pinulong din nito ang mga opisyal ng lugar at pinag-usapan kung ano ang maaaring tulong na maibibigay sa mga sinalanta ng pagbaha.

May ilang telecommunications companies na rin itong nakausap na magbibigay ng libreng internet connections at tawag dahil naputol ang linya ng komunikasyon sa lugar bunsod ng malakas na bagyo.

Magugunitang umabot na sa 50 katao ang nasawi sa naganap na malawakang pagbaha sa New York, New Jersey, Louisiana at ibang lugar sa US.

-- Advertisement --