-- Advertisements --

Agad na kinumusta ni US President Joe Biden ang kalagayan ng mga naninirahan sa Hawaii matapos na sila ay salantahin ng wildfire.

Sa kaniyang pagbisita sa lugar ay nakausap din nito ang mga responders sa malawakang sunog.

Sinabi ni Maui Mayor Richard Bissen na mayroong mahigit 100 na ang nasawi at mayroon pang 850 katao ang nawawala.

Hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga residente ng Hawaii ay nagbabala ang National Weather Service na makakaranas sila ng mga pag-ulan ng ilang araw dahil sa sama ng panahon.