-- Advertisements --

Binanatan ni US Presdient Joe Biden ang kaniyang sinundan na pangulo at magiging katunggali sa 2024 election na si ex-President Donald Trump.

Sa kaniyang talumpati sa US Labor Day holiday, na dumami ang nawalan ng trabaho noong nakaupo si Trump.

Dagdag pa nito na sa pamumuno ngayon ni Biden ay lumalago na ang ekonomiya ng US.

Nakatutok kasi ngayon ang kaniyang administrasyon umano sa pagpapalakas ng trabaho.

Magugunitan ng matapos ang termino ni Trump noong 2021 ay nakaranas ang buong mundo ng pagbagsak ng ekonomiya dahil sa COVID-19 pandemic na nagresulta sa pagkawala ng trabaho ng ilang milyong mamamayan.