-- Advertisements --
Nakatakdang magkita ng personal sina Ukrainian President Volodymyr Zelensk at US President Joe Biden sa susunod na Linggo.
Ang dalawang lider kasi ay dadalo sa Unted Nations General Assembly meeting sa New York.
HIndi pa malinaw kung gagawin ba ang pulong ng dalawa sa New York o sa White House.
Tutunguhin din ng Ukrainian president ang US Capitol kung saan makakausap nito ang ilang mga mambabatas ng US.
Magugunitang ilang bilyong dolyar na ang ibinigay na tulong ng US sa Ukraine mula ng sila ay sakupin ng Russia noong nakaraang taon.