-- Advertisements --
Inanunsiyo na ng Public-Private Partnership Center (PPPC) ang bidding para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport.
Lahat aniya ng mga local at foreign parties ay inimbitahan na mag-bid para sa rehabilitations, operate, optimize at mag-maintain ng NAIA sa ilalim ng Rehabilitate-Operate-Expand-Transfer arrangement.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P170-bilyon na ito ay iniimplementa ng Department of Transportation at ang Manila International Airport Authoritiy.
Magugunitang sinabi ng DOTr na plano nilang iprivatize ang paliparan para lalong gumanda ang maibibigay nitong serbisyo sa tao.