-- Advertisements --

Itinutulak ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang panukalang gawing libre ang tuition fees para sa mga empleyado ng gobyerno na naka enroll sa master’s degree sa mga state universities and colleges (SUCs).

Sa ilalim ng panukalang House Bill (HB) 8834 na inihain ni Yamsuan, ang libreng tuition ay para sa mga empleyado ng gobyerno na sumasaklaw sa isang master’s program ng maximum na dalawang taon sa alinmang SUC kung saan sila ay enroll.

Sinabi ni Yamsuan na ang panukala ay magtataguyod ng career enhancement at isang kultura ng panghabambuhay na pag-aaral sa gobyerno, na hahantong naman sa mas mataas na pamantayan ng serbisyo sa mamamayang Pilipino.

Hikayatin din nito na lalo pang ma-improve ang ibinibagy na kalidad sa serbisyo publiko na patuloy na mahasa ang kanilang mga kasanayan sa gitna ng mga dinamikong hamon na kinakaharap ng pampublikong sektor ng Pilipinas sa panahong ito ng inobasyon at mga nakakagambalang teknolohiya.

“Apart from improving the quality of public service, we owe it to our government employees to assure them that as they tirelessly and generously provide their services and expertise on the one hand, the government backs their goals for career growth and professional development on the other,” pahayag ni Yamsuan.

Ang HB 8834 ay nai-refer na sa first reading sa House Committee on Higher and Technical Education.

Upang maging kuwalipikado para sa libreng tuition benefit, ang mga empleyado ng gobyerno ay kailangang magtrabaho nang hindi bababa sa limang taon anumang oras pagkatapos ng bisa ng iminungkahing panukala, at dapat ding pumasa sa mga pagsusulit sa pagpasok at iba pang admission at retention na kinakailangan ng SUC kung saan siya naroroon,nag-aaplay para sa master degree program.